Mga kandidato sa QC na nakaboto na

Nakaboto na rin ang mga kandidato sa Quezon City.

Sa Christ the King sa E. Rodriguez sa Quezon City maagang bumoto si Mayoralty Candidate Joy Belmonte.

Kasama ni Joy ang kaniyang ama na si dating House Speaker Sonny Belmonte.

Samantala, nakaboto na rin si mayoral candidate Chuck Mathay sa Pres. Corazon Aquino Elementary School.

Kasama ni Mathay na bumoto ang kaniyang anak, ang aktres na si Ara Mina.
Ilang oras bago ang eleksyon naging kontrobersyal ang halalan sa Quezon City dahil sa pagkakaaresto kay QC mayoralty candidate Bingbong Crisologo.

Read more...