Apela ni Mayor Sara Duterte sa Comelec at Smartmatic: Maging tapat

By Dona Dominguez-Cargullo May 13, 2019 - 09:49 AM

Umaapela si Presidential daughter at Davao city Mayor Sarah Duterte – Carpio sa Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic na maging tapat ngayong araw ng eleksyon.

Pahayag ito ni Duterte-Carpio sa gitna ng responsibilidad na haharapin ng Comelec at Smartmatic ngayong araw sa sandaling magsimula na ang bilangan.

Dapat aniyang maging faithful ang Comelec at Smartmatic sa gagawing pagbilang ng mga boto.

Bago mag-alas 9:00 ng umaga ay nakaboto na ang Presidential daughter sa Daniel R. Aguinaldo National Highschool sa lunsod ng Davao.

Hinikayat din nito ang mga botante na lumabas ng kanilang mga tahanan at gamitin ang kanilang karapatang bomoto sa mga kandidatong karapat-dapat na maupo sa pwesto.

TAGS: #VotePH, 2019elections, elections, midterm elections, Sara Duterte, #VotePH, 2019elections, elections, midterm elections, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.