Buong lalawigan ng Basilan nawalan ng kuryente bago magsimula ang eleksyon
Nakaranas ng malawakang blackout sa Basilan ilang oras bago nagsimula ang eleksyon.
Ayon kay Dusib Durapal, acting general manager ng Basilan Electric Cooperative (Baselco) nawalan ng kuryente ang buong lalawigan ng Basilan dahil sa pagsabog sa transmission line sa isa sa kanilang main substations.
Nawalan ng kuryente dakong alas 9:00 ng gabi at alas 6:00 ng umaga ay sinabi ni Durapal na patuloy pa ring kinukumpuni ang transmission.
Nangamba naman ang mga residente na maaring makaapekto sa eleksyon ang pagkawala ng kuryente sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.