LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, May 13
Nabawasan pa ang antas ng karamihan sa mga dam sa Luzon sa nakalipas na 24 oras.
Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, ang water level sa Angat dam ngayong alas 6:00 ng umaga, araw ng Lunes, May 13 ay nasa 174.41 meters.
Mas mababa ito kumpara sa 174.80 meters kahapon ng umaga.
Samantala, ang La Mesa dam ay bahagya ding nabawasan ang water level at ngayon ay nasa 68.56 meters.
Nabawasan din ang water level sa Ambuklao dam at San Roque dam.
Habang nadagdagan naman ng bahagya ang water level sa Binga dam, Pantabangan dam, Magat dam at Caliraya dam.
Wala namang pagbabago sa water level sa Ipo dam na nasa 101.02 meters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.