Comelec: 174 arestado dahil sa vote-buying; 175 naman dinakip dahil sa paglabag sa liquor ban

By Dona Dominguez-Cargullo May 13, 2019 - 06:32 AM

Umabot na sa 174 na katao ang naaresto na pawang sangkot sa vote buying.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, sa datos, ngayong umaga, ay umabot na sa 32 ang naitatalang kaso ng vote buying.

Alas 2:00 naman ng madaling araw kankina ay umabot na sa 34 ang mga naitalang kaso ng paglabag sa umiiral na liquor ban.

Sa nasabing bilang, 175 na ang nadakip.

Habang sa mga insidente naman ng karahasan na mayroong kinalaman sa eleksyon ay 43 na ang naitalang kaso ng Comelec kung saa 73 ang naitalang biktima.

Ayon kay Jimenez, mas mababa naman ito kumpara sa 2016 election related incidents na kanilang naitala.

TAGS: 2019 elections, liquor ban, midterm elections, Radyo Inquirer, vote buying, 2019 elections, liquor ban, midterm elections, Radyo Inquirer, vote buying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.