Operasyon ng mga transmission lines at mga pasilidad ngayong araw ng halalan normal ayon sa NGCP
By Dona Dominguez-Cargullo May 13, 2019 - 06:19 AM
Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na normal ang suplay ng kuryente ngayong araw ng eleksyon.
Ayon sa NGCP ngayong araw ng halalan, normal ang operasyon ng mga transmission lines at mga pasilidad.
Dahil dito ayon sa NGCP sapat ang suplay ng kuryente sa bansa ngayong araw at walang inaasahang aberya.
Agad namang maglalabas ng abiso ang NGCP sakaling magkaroon ng papalyang planta ng kuryente na magdudulot ng pagnipis sa reserba ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.