Dahil dito ayon sa PAGASA, ang Cagayan at ang Batanes ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.
Ang malakas na buhos ng ulan na mararanasan ay maaring magdulot ng flash floods o landslides.
Bagaman aasahan ang maaliwalas na panahon sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, pinayuhan ng PAGASA ang mga boboto ngayong araw na magdala ng payong.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, mainit at maalinsangang panahon kasi ang iiral sa malaking bahagi ng bansa.
Habang pagsapit ng hapon o gabi ay aasahan naman ang panandaliang mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms. (
MOST READ
LATEST STORIES