Simbahang Katolika, ipinagdasal ang tapat, maayos at mapayapang halalan
Nanalangin ang Simbahang Katolika para sa maayos, tapat at mapayapang midterm elections ngayong araw.
Kasama ang halalan sa mga intensyon at ipinanalangin sa mga misa kahapon sa bawat parokya sa buong bansa, kasabay ng pagdiriwang ng Good Shepherd Sunday.
Alas-6:00 ng gabi, isang misa at candlelight rosary procession ang isinagawa sa The Manila Cathedral sa pangunguna ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.
Sa kanyang homilya, iginiit ng obispo na dapat gawing batayan ng publiko ang mga katangian ni Hesukristo para sa mga iboboto ngayong araw.
Ani Pabillo, si Hesus na isang Mabuting Pastol ay palaging nangunguna sa mga tao sa pamamagitan ng pagiging halimbawa kaya’t dapat itong tularan.
Ganun din dapat anya ang katangian ng lider na pipiliin ng mga tao.
Sinabi pa ni Pabillo na hindi dapat iboto ang mga kandidatong kilala sa pagtataksil sa asawa, korapsyon, pagsisinungaling at kabastusan sa pananalita.
Samantala, hinimok din ng obispo ang publiko na huwag ibenta ang kanilang mga boto dahil ito ay sagrado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.