Ayon sa Phivolcs, tumama ang isang magnitude 3.1 na lindol sa layong 117 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani, Davao Occcidental ala-1:21 ng madaling araw.
May lalim itong isang kilometro.
Ala-1:31 naman nang maitala ang isang magnitude 3.0 na lindol sa layong 66 kilometro Hilagang-Kanluran ng Calayan, Cagayan.
May lalim itong 24 kilometro.
Ang pagyanig sa Calayan, Cagayan ay aftershock ng magnitude 5.2 na lindol sa lalawigan kahapon, Linggo (May 12).
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at wala namang pinsala sa ari-arian.
Hindi rin inaasahan ang aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES