NCRPO: Walang terror threat sa Metro Manila ngayong halalan
Walang namomonitor na anumang bantang karahasan ang National Capital Region Police Office (NRCPO) sa Metro Manila ngayong araw ng halalan.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Guillermo Eleazar, ito ay kahit na naglunsad ng pag-atake ang ilang mga komunistang rebelde sa nagdaang mga halalan.
Nasa 16,000 pulis ang ipakakalat upang tiyakin ang seguridad sa 8,298 na polling precincts sa buong rehiyon.
Nauna nang inilagay sa full alert ang buong pwersa ng NCRPO upang maprotektahan ang publiko at makareponsde sa mga emergency.
Kumpyansa si Eleazar na magiging maayos at mapayapa ang halalan matapos makakumpiska ang mga pulis ng higit 1,500 hindi lisensyadong baril simula ng ipatupad ang gun ban noong Jan 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.