Idineklarang special non-working holiday ng Malacañang ang araw na ito upang mabigyan ang lahat ng pagkakataon na makaboto.
Sa isang advisory, sinabi ng DOLE na dapat na mabayaran ng mga employers ang kanilang mga manggagawa ng dagdag na 30 percent sa kanilang arawang sahod.
Habang ang trabaho namang sumobra sa walong oras ay kinakailangang bayaran ng dagdag na 30 percent ng hourly rate.
Samantala, kapag ang empleyado naman ay nagtrabaho pa rin kahit na araw ng pahinga at holiday, kailangan siyang mabayaran ng dagdag na 50 percent ng arawang sahod para sa unang walong oras.
Iiral naman ang ‘no work, no pay’ policy liban na lamang kung may ibang polisiya ang kumpanya na sila ay magbabayad sa mga holidays.