DOLE, nagpaalala sa employers para sa holiday pay rules ngayong eleksyon

By Rhommel Balasbas May 13, 2019 - 04:11 AM

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pribadong employers na sumunod sa holiday pay rules ngayong May 13, araw ng halalan.

Idineklarang special non-working holiday ng Malacañang ang araw na ito upang mabigyan ang lahat ng pagkakataon na makaboto.

Sa isang advisory, sinabi ng DOLE na dapat na mabayaran ng mga employers ang kanilang mga manggagawa ng dagdag na 30 percent sa kanilang arawang sahod.

Habang ang trabaho namang sumobra sa walong oras ay kinakailangang bayaran ng dagdag na 30 percent ng hourly rate.

Samantala, kapag ang empleyado naman ay nagtrabaho pa rin kahit na araw ng pahinga at holiday, kailangan siyang mabayaran ng dagdag na 50 percent ng arawang sahod para sa unang walong oras.

Iiral naman ang ‘no work, no pay’ policy liban na lamang kung may ibang polisiya ang kumpanya na sila ay magbabayad sa mga holidays.

TAGS: Department of Labor and Employment (DOLE), Holiday pay rules, May 13 midterm elections, special non-working holiday, Department of Labor and Employment (DOLE), Holiday pay rules, May 13 midterm elections, special non-working holiday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.