2 pagsabog yumanig sa Cotabato City ilang oras bago ang eleksyon

Dumagundong ang dalawang pagsabog sa Cotabato City, Linggo ng gabi o ilang oras na lang bago ang eleksyon ngayong araw.

Ayon kay Pol. Lt. Teofisto Ferrer, Jr ng Cotabato City Police Precinct 2, naganap ang mga pagsabog bandang alas-10:30 ng gabi.

Ani Ferrer, pinaniniwalaang ang mga pagsabog ay mula sa isang 40mm mortar na ginamitan ng M-79 grenade launcher tube.

Hindi pa anya alam ang pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng insidente.

Maswerte namang walang nasaktan sa mga pagsabog na nangyari malapit sa City hall compound sa Purok Omar, Malagapas, Rosary Heights 10.

Hindi pa sinabi ng pulisya na election-related incident ang dalawang pagsabog hangga’t hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.

Read more...