QC Mayoral candidate Bingbong Crisologo inaresto gabi bago ang eleksyon

By Rhommel Balasbas May 12, 2019 - 10:19 PM

Courtesy of Michael Tan Defensor

(Updated as of 1:00am) Inaresto si Quezon City mayoral candidate at 1st District Representative Vincent ‘Bingbong’ Crisologo at kanyang anak na si Edrix, Linggo ng gabi.

Ito ay dahil sa umano’y ‘obstruction of justice’ ng mayoral bet sa mga pulis na nagsasagawa ng operasyon kontra vote-buying sa Brgy. Bahay Toro.

Ayon kay QCPD director Brig. Gen. Joselito Esquivel, dumating sa lugar na umano’y may insidente ng vote buying si Crisologo.

Pinagmumura at tinakot umano nito ang mga pulis na nagsasagawa ng transaksyon kaya ito inaresto.

Sa isang video na ibinahagi sa Facebook, sinabi ni Crisologo na dumating sa bahay sa Brgy. Bahay Toro ang mga pulis na walang warrant.

Hindi rin umano sila binasahan ng Miranda rights.

Dumagsa naman ang mga taga-suporta ni Crisologo sa Camp Karingal para igiit ang pagpapalabas dito.

TAGS: 2019 midterm elections, Bingbong Crisologo, quezon city, vote buying, 2019 midterm elections, Bingbong Crisologo, quezon city, vote buying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.