Cagayan, niyanig ng magkasunod na malakas na lindol; Intensity 2 at 3, naitala sa ilang lalawigan

Phivolcs photo

Itinaas sa magnitude 5.2 ang lakas ng tumamang lindol sa Cagayan, Linggo ng hapon.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 38 kilometers Northwest ng Calayan dakong 4:59 ng hapon.

May lalim ang lindol na 20 kilometers at tectonic ang origin.

Naunang napaulat na 5.1 magnitude ang lakas ng lindol.

Dahil dito, naramdaman ang Intensity 3 sa Aparri, Cagayan habang Intensity 2 naman sa Laoag City, Ilocos Norte at sa Claveria, Cagayan.

Sinabi ng Phivolcs na inaasahan ang aftershocks matapos ang pagyanig.

Makalipas ang halos isang oras, yumanig naman ang magnitude 4.4 na lindol sa kaparehong lugar.

Ayon sa Phivolcs, ito ay aftershock ng naunang magnitude 5.2 na lindol sa lugar.

Read more...