Brgy. tanod, sugatan sa pamamaril sa Abra

By Noel Talacay May 12, 2019 - 04:23 PM

Nabaril ang isang barangay tanod sa harap ng bahay ng isang kandidato para konsehal sa Abra.

Kinilala ang biktima na si Arnel Santiago na tinamaan ng bala sa paa at agad naman itong tinulungan ng kalapit na bahay na maisugod sa pagamutan.

Ayon sa mga otoridad, nagpapatrolya si Santiago sa Barangay Dalit nang biglang binaril malapit sa tinitirahang bahay ni Konsehal Mario Agbusac.

Pahayag naman ng biktima, hindi siya ang puntirya ng gunman kundi ang tirahan ni Agbusac.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa naturang pamamaril.

Ang Abra ay nasa nasa ilalim ng red category at itinuturing “area of grave concern.”

TAGS: Abra, Arnel Santiago, Konsehal Mario Agbusac, Pamamaril, Abra, Arnel Santiago, Konsehal Mario Agbusac, Pamamaril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.