LOOK: Miss Universe 2018 Catriona Gray, kasama ang mga magulang sa New York ngayong Mother’s Day

By Noel Talacay May 12, 2019 - 04:18 PM

Photo grab from Miss Universe 2018 Catriona Gray’s Instagram post

Hindi matawaran ang kaligayan na nadarama ngayon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ito ay dahil kasama niya ang kanyang mga magulang sa New York, USA kung saan naroon din ang headquarters ng Miss Universe.

Nakasama ni Catriona ang kanyang ina sa pagdiriwang ng Mother’s Day.

Sa kaniyang post sa Instragram, makikita ang larawan ng kaniyang ama at ina habang sila ay nasa isang lobster marketplace sa New York.

Ani Catriona, ang kaniyang ama’t ina ang dalawa sa pinakamahalagang tao sa buong mundo.

Ayon pa sa Bicolana beauty queen, masaya siya dahil nadala niya ang kaniyang mga magulang sa tinaguriang “big apple.”

Samantala, uuwi sa Pilipinas sa June 9 ang 25-anyos na Filipino-Australian beauty para dumalo sa gagawing coronation ng 2019 Binibining Pilipinas.

TAGS: Catriona Gray, Mother's Day, New York, Catriona Gray, Mother's Day, New York

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.