Puso ng mga ina, loveliest masterpiece of heart of God – Palasyo

By Chona Yu May 12, 2019 - 04:30 PM

Maituturing na loveliest masterpiece of heart of God ang puso ng mga ina.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day ngayong araw ng Linggo.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na walang sinuman, maging ang mga ama, ang makapapantay sa pagmamahal at pag-aaruga na ibinibigay ng isang ina sa kanilang anak.

Ayon kay Panelo, mula umaga hanggang gabi, walag ibang hinangad ang ina kundi ang kaligayahan ng kanilang anak at maprotektahan mula sa sakit, sugat at iba pa.

Maituturing aniyang bayani ang mga ina kung kaya marapat lamang na bigyan sila ng nararapat na pagkilala.

Sinabi pa ni Panelo na kung wala ang ina ay magiging magulo ang bayan at mundo.

Hindi maikakaila, ayon kay Panel,o na nagsisimula ang growing up years ng mga bata sa kanilang mga ina.

TAGS: ina, Mother's Day, Salvador Panelo, ina, Mother's Day, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.