Manny Pacquiao, susunod na makakalaban si Keith Thurman sa Hulyo

By Angellic Jordan May 12, 2019 - 03:55 PM SHARE(S):
Photo grab from Senator Manny Pacquiao’s Twitter post

Magbabalik si Filipino boxing legend na si Manny Pacquiao sa boxing ring sa buwan ng Hulyo ngayong taon.

Sa kaniyang Twitter account, inanunsiyo ni Pacquiao ang nakatakda nilang paghaharap ni undefeated champion Keith Thurman sa July 20.

Isasagawa ang Pacquiao-Thurman fight anim na buwan matapos maidepensa ng Pinoy boxer ang WBA (Regular) welterweight title kontra kay Adrien Broner noong January 19 sa Las Vegas, USA.

Wala pa namang binanggit na ibang detalye kung saan gaganapin ang boxing match.

Si Thurman ang kasalukuyang WBA (Super) welterweight champion at mayroong 29-0 win-loss record kung saan 22 rito ay knockout.

TAGS: Boxing, Keith Thurman, manny pacquiao, Boxing, Keith Thurman, manny pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.