Pangulong Duterte, mananatili sa Davao City sa May 13 polls

Sa bahay sa Davao City lamang mananatili si Pangulong Rodrigo Duterte bukas, araw ng eleksyon, May 13.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na base sa kaniyang pagkakaalam, sa Davao lamang mamalagi ang pangulo.

Pero maari aniyang mabago ang sitwasyon kung may madaliang pangangailangan na puntahan ang pangulo.

Karaniwan nang bumoboto si Pangulong Duterte sa precinct 1245a sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Aplaya Road, Matina Crossing, Davao City.

Read more...