2 arestado sa vote buying sa Laguna

May 12, 2019 - 03:39 PM

Huli sa akto ang dalawa katao sa naganap na vote buying sa Sta. Cruz, Laguna Linggo ng hapon.

Sa ipinadalang mensahe ni Col. Eleazar Matta, hepe ng Laguna police, nakilala ang mga suspek na sina Melchor Sta. Ana, 61-anyos, at Miriam Octavio, 54-anyos.

Isang concerned citizen umano ang nag-report ng vote buying sa Barangay Oogong bandang 11:55 ng umaga.

Nahuli ng pulis ang mga suspek na namimigay ng P100 kasama ang sample ballots na may pangalan nina Laguna governor Ramil Hernandez at 13 pang kandidato sa ilalim ng Nacionalista Party.

Nilinaw naman ng kampo ni Hernandez na hindi galing sa kanilang kampo ang pera.

Narekober ng pulisya ang kabuuang P4,500 na cash at isang notebook mula sa mga suspek.

TAGS: 2019 elections, Laguna Police, Sta. Cruz Laguna, vote buying, 2019 elections, Laguna Police, Sta. Cruz Laguna, vote buying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.