70 bansa, hinimok ang North Korea na itigil ang missile testing

Nagkasundo ang 70 bansa na himukin ang North Korea na itigil ang kanilang nuclear at ballistics weapons program.

Batay sa report, ilan sa mga lumagda sa kasunduan na ginawa sa France ang mga bansang United States, South Korea, at ilan pang bansa sa Asya, Latin America, Africa at Europa.

Dagdag pa ng mga bansang ito na banta sa kayapaan ng mundo ang ginagawang hakbang ng North Korea.

Samantala, hindi naman pumirma sa kasunduan ang Russia at China na kaalyado ng North Korea.

Dalawang missile test ang isinasagawa ng North Korea sa kanilang weapons testing program.

Nakasaad din sa hiling ng mga bansa na ipagpatuloy ng North Korea ang usapin ng denuclearization sa Estados Unidos.

Matatandaang nagdeklara noong nakaraang taon ang pinuno ng Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) na si Kim Jong Un na ititigil na nito ang mga missile launch.

Read more...