266 katao, nahuling lumabag sa liquor ban – PNP

May 12, 2019 - 03:10 PM

Umabot sa kabuuang 266 na katao ang nahuli ng mga otoridad kasunod ng pagsisimula ng liquor ban, Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, ang nasabing bilang ay naitala mula 12:00 ng madaling-araw hanggang 6:00 ng umaga.

Sa 266, 186 katao rito ay mula sa Quezon City.

Ipinatupad ang pagbebenta at pag-iinom ng alcoholic products para sa paghahanda sa May 13 midterm elections.

Aalisin ang liquor ban sa araw ng Martes, May 14.

TAGS: 2019 elections, liqour ban, NCRPO, 2019 elections, liqour ban, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.