Sa report na inilabas ng Ombudsman, sinasabing nagawang maipanalo ng ahensya ang 75 sa kabuuang 108 na kasong kanilang isinampa sa Sandiganbayan sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon.
Ito ay mas mataas sa 45 porsiyento na conviction rate na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2014.
Sa 108 na kaso, 81 ang nagkaroon ng guilty verdict samantalang nasa 27 lamang ang nagkaroon ng acquittal.
58 sa 81 kaso ay may kinalaman sa mga miyembro ng Kamara samantalang 34 ay mula sa mga LGU.
Karamihan sa mga naisampang kaso ay may kinalaman sa paglabag sa anti-Graft and Corrupt Practices Act ng ilang mga kawani ng pamahalaan.