VACC, tiniyak ang suporta sa mga nagsasampa ng kaso sa Ombudsman

By Erwin Aguilon May 12, 2019 - 04:11 PM

Bukas ang pintuan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) para tumulong sa mga grupo na lumalaban sa katiwalian sa gobyerno.

Ayon kay VACC Spokesperson Boy Evangelista, handa sila na umayuda sa mg magsasampa ng reklamo sa Ombudsman may kinalaman sa mga katiwalian lalo na ngayong panahon ng eleksyon.

Sinabi nito na kung mayroong mga ebidensya ang reklamo ng sinuman ay handa nila itong pag-aralan.

Una nang naghain ng graft case sa Office of the Ombudsman ang Hukpong Laban sa Katiwalian laban kay Taguig Mayoral Candidate Arnel Mendiola Cerafica.

Kaugnay ito sa iregularidad na ibinunyag ng anti-corruption watchdog ay pagkakaroon ng magarbong lifestyle ni Cerafica na madalas umano ang pagbiyahe abroad kasama ang pamilya, ang pagkakaroon nito ng mansion, magagarang sasakyan, bahay-bakasyunan sa Estados Unidos.

Aminado ang grupo na sa dami ng ari-arian ni Cerafica ay nakapagtataka na galing lamang lahat ito sa kanyang sweldo bilang mambabatas, kaya naman ang hiling ng grupo ay magkaroon ng lifestyle check laban dito.

Hinimok din nito ang iba pang non-governmental organizations (NGOs) na may mga nalalamang kaso laban sa mga tiwaling opisyal na gobyerno na huwag matakot na magsampa ng reklamo dahil maaari nilang makatuwang ang VACC.

Matatandaan na una na ring sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kanilang sisilipin ang narcopolitics sa Taguig matapos na rin tukuyin ng mga naaarestong suspek sa drug case na kanilang kamag-anak si Cerafica.

TAGS: 2019 elections, kaso, Katiwalian, Ombusman, vacc, 2019 elections, kaso, Katiwalian, Ombusman, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.