5 Chinese, timbog sa pag-kidnap ng 3 kapwa-Chinese sa Makati

By Angellic Jordan May 12, 2019 - 06:54 PM

Arestado ang limang Chinese national dahil sa umano’y pag-kidnap sa tatlong kapwa-Chinese sa Makati City.

Nakilala ang mga suspek na sina Li Wei, Ruan Hu Bin, Chen Sing, Weng Peng Chao at Li Hui Sie.

Ayon sa pulisya, pwersahan umanong pinasakay ng van sina Zhou Yang, Sengxiao Ling at Ou Shen sa bahagi ng Verdant Avenue sa Las Piñas City noong araw ng Biyernes.

Gayunman, nakatakas si Ou Shen at agad ini-report ang insidente.

Humingi ng P200,000 na ransom ang mga suspek para sa pagpapalaya sa mga biktima sa isang mall sa Makati.

Kasunod nito, nagsagawa ng Makati at Las Piñas police ng entrapment operation laban sa mga suspek.

Inaresto ang mga suspek matapos makuha ang pera. Nakita naman ang mga biktima sa loob ng isang van na ginamit ng mga suspek.

Samantala, dumadaan din sa imbestigasyon ang dalawang Pinoy na drayber ng van.

TAGS: Chen Sing, Las Piñas City, Li Hui Sie, Li Wei, makati city, Ou Shen, Ruan Hu Bin, Sengxiao Ling, Weng Peng Chao, Zhou Yang, Chen Sing, Las Piñas City, Li Hui Sie, Li Wei, makati city, Ou Shen, Ruan Hu Bin, Sengxiao Ling, Weng Peng Chao, Zhou Yang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.