All systems go na.
Ito ang naging pagtitiyak ng Commission on Elections (Comelec) para sa araw ng halalan bukas, May 13.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na wala nang aberya ang Comelec para sa halalan.
Katunayan, natugunan na ng komisyon ang problema sa SD card at marking pens.
Mataas aniya ang morale ngayon ng Comelec at kumpiyansang magiging maayos ang halalan bukas.
Nasa 80 hanggang 90 percent aniya ang confidence level ng Comelec na magbubukas ng eksaktong 6:00 ng umaga ang mga presinto.
Sa ngayon, binibigyan na aniya ng briefing ng Comelec ang mga foreign observers na magbabantay sa halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.