Comelec, nababahala sa vote buying sa bansa

By Chona Yu May 12, 2019 - 02:45 PM

Nababahala na ang Commission on Elections (Comelec) sa talamak na vote buying sa bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na halimbawa na lamang ang insidente ng vote buying sa Pangasinan.

Maari aniyang maghain ng kasong disqualification ang isang indibidwal sa isang kandidato na sangkot sa vote buying hanggat hindi pa napoproklama.

Kahit na maproklama aniya at umusad na ang kaso, maari namang masibak sa puwesto ang isang nanalong kandidato kapag napatunayan na sangkot sa vote buying.

May binuo na niyang task force ang Comelec na tutulong sa mga complaiant sa paghahain ng kaso ng vote buying laban sa mga kandidato.

Nabatid na noong 2013 elections, apat na nanalong kandidato ang natanggal sa puwesto dahil sa vote buying.

TAGS: 2019 election, comelec, vote buying, 2019 election, comelec, vote buying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.