Higit 500,000 guro, ipakakalat sa May 13 elections – DepEd
Aabot sa mahigit kalahating milyong guro at personnel ang magsisilbing poll workers sa araw ng eleksyon bukas, May 13.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, aabot sa 37,000 na eskwelahan ang gagamiting poll centers.
Nagpasalamat si Briones sa mga guro na magbibigay ng kanilang oras para masiguro na magiging maayos at credible ang halalan.
Patuloy aniyang nakikipag-ugnayan ang DepEd sa Commission on Elections (Comelec) at iba pang sangay ng pamahalaan para matiyak na walang magiging problema sa araw ng halalan.
Muli namang pinaalalahan ni Briones ang mga guro na manatiling neutral at huwag sumali sa anumang partisal political activity.
May binuo na aniyang election task force ang DepEd at nabigyan na ng maayos na training at orientation para sa halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.