Sa kanyang talumpati sa kampanya sa Davao City, sinabi ng Pangulo na walang problema sa pamimigay ng pamasahe sa mga tao.
Nang paalalahanan na isang election offense ang pamimigay ng pera sa panahon ng kampanya, sinabi ni Duterte na sabihin lang daw ng tao na kinuha niya ang pera hindi kapalit ng boto kundi para may pamasahe pauwi.
Ang pahayag ng Pangulo ay sa kabila ng ilang beses na panawagan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na labanan ang vote buying at paalala sa publiko na kasalanan ang magbenta ng boto.
Sa talumpati ng Pangulo ay tinanong pa nito ang mga kandidato kung wala ba silang P100 na ibibigay sa mga tao pero sinabihan ito na bawal ito sa batas.