Duterte: ‘Ok lang na tumanggap ng pera para pamasahe’

By Len Montaño May 12, 2019 - 07:07 AM

Sa kabila ng bawal sa batas ang vote buying at sa gitna ng paalala ng iba’t ibang sektor na maging tapat ang halalan, hayagang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayos lang tumanggap ng pera kung ito ay para sa pamasahe.

Sa kanyang talumpati sa kampanya sa Davao City, sinabi ng Pangulo na walang problema sa pamimigay ng pamasahe sa mga tao.

Nang paalalahanan na isang election offense ang pamimigay ng pera sa panahon ng kampanya, sinabi ni Duterte na sabihin lang daw ng tao na kinuha niya ang pera hindi kapalit ng boto kundi para may pamasahe pauwi.

Ang pahayag ng Pangulo ay sa kabila ng ilang beses na panawagan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na labanan ang vote buying at paalala sa publiko na kasalanan ang magbenta ng boto.

Sa talumpati ng Pangulo ay tinanong pa nito ang mga kandidato kung wala ba silang P100 na ibibigay sa mga tao pero sinabihan ito na bawal ito sa batas.

TAGS: kampanya, ok lang, pamasahe, Pangulong Rodrigro Duterte, pera, PPRCRV, vote buying, walang problema, kampanya, ok lang, pamasahe, Pangulong Rodrigro Duterte, pera, PPRCRV, vote buying, walang problema

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.