Warriors umabante sa NBA western conference finals matapos talunin ang Rockets

By Len Montaño May 12, 2019 - 05:46 AM SHARE(S):

Marami pang dapat gawin ang Golden State Warriors para masungkit ang kanilang ikatlong sunod na NBA finals appearance at kalaunan ay kampeonato.

Ito ay kasunod ng pag-abante ng Warriors sa Western Conference Finals matapos talunin ang Houston Rockets sa kanilang semi-finals series.

Umabante ang Golden State sa conference finals kahit wala ang kanilang leading scorer na si Kevin Durant na may calf injury.

Gumawa si Stephen Curry ng 33 points sa 118-113 victory kontra Rockets at nagdagdag si Klay Thompson ng 27 points.

Ayon sa koponan, sasailalim si Durant sa re-evaluation sa susunod na linggo pero hindi pa malinaw kung kailan ito makakabalilk sa laro.

TAGS: calf injury, Finals, golden state warriors, Houston Rockets, Kevin Durant, Klay Thompson, NBA, semi-finals, Stephen Curry, Western Conference, calf injury, Finals, golden state warriors, Houston Rockets, Kevin Durant, Klay Thompson, NBA, semi-finals, Stephen Curry, Western Conference

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.