Heart Evangelista ipinagpaliban ang planong pagbubuntis

Hindi muna nakaplano sa taong ito ang pagbubuntis ng aktres na si Heart Evangelista.

Ayon kay Heart, nais niyang mag-focus sa kanyang mga film projects.

Hindi raw muna pwedeng magbuntis ang aktres dahil hindi niya pwedeng bitinin ang kanyang trabaho.

Sa ngayon ay may ginagawang international film si Heart.

Ito anya ang dahilan kaya imposible na mabuntis siya sa taong ito.

Pero sinabi ni Heart na susubukan uli nila ng mister na si Sen. Chiz Escudero na magkaroon na ng baby sa susunod na taon.

Read more...