UST Golden Tigresses isang panalo na lang para sa UAAP women’s volleyball title
Isang panalo na lang ang University of Santo Tomas Golden Tigresses matapos talunin ang Ateneo sa Game 1 ng UAAP Season 81 women’s volleyball sa score na 25-17, 25-16, 25-20.
Dahil sa panalo ng UST, nahinto na ang 15-game losing streak nito sa Ateneo na nagsimula pa noong 2012.
Pinanguhan ni MVP Cherry Rondina ang panalo ng Golden Tigresses sa ginawa nitong 23 points habang nagdagdag ang rookie na si Eya Laure ng 11 points.
Nabigo ang Lady Eagles na makontra ng kanilang opensa ang magandang laro ni Rondina.
Mayroong bahagi sa third set na tinangka ng Ateneo na makahabol pero nagkaroon ng pagkakamali si rookie Erika Raagas kaya umalagwa na ang UST.
Target ng UST na tapusin na ang finals sa Game 2 kontra Ateneo para masungkit ang kampeonato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.