Rollback sa presyo ng petrolyo inanunsyo ng ilan pang kumpanya ng langis

By Len Montaño May 12, 2019 - 12:09 AM

Nag-anunsyo ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilan pang mga kumpanya ng langis araw ng Sabado.

Sa abiso ng Petro Gazz, may bawas sila na P1.25 sa kada litro ng gasolina epektibo alas 6:00 ng umaga sa Martes May 14.

Wala namang inanunsyo ang naturang kumpanya na tapyas sa presyo ng diesel.

Samantala, inanunsyo ng Seaoil ang rollback na P1.25 sa kada litro ng gasolina, P0.30 sa kada lito ng kerosene pero wala ring paggalaw sa presyo ng diesel.

Epektibo naman na ngayong araw ng Linggo ang bawas-presyo ng Seaoil.

Una nang narollback ang Phoenix Petroleum ng P1.30 sa kada litro ng gasolina.

TAGS: diesel, gasolina, kerosene, Petro Gazz, Phoenix petroleum, produktong petrolyo, rollback, Seaoil, diesel, gasolina, kerosene, Petro Gazz, Phoenix petroleum, produktong petrolyo, rollback, Seaoil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.