Duterte: Extrajudicial killings matagal nang nangyayari sa Davao

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na matagal ng nangyayari ang extrajudicial killings sa Davao.

“So even in the matter of the elements of progress, ang Davao is in the forefront and only because we decided nga gisabot ko ninyo. Kay niadto pa man nang extrajudicial killing (that you have to understand me because extrajudicial killing has been going on for a long time),” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa miting de avance of Hugpong ng Pagbabago-Hugpong sa Tawong Lungsod sa Davao City araw ng Biyernes.

Ayon sa Pangulo, hindi ito maintindihan ng mga hindi taga-Davao pero ang mga residente sa lungsod ay naiintindihan ito.

Dahil anya sa tinatawag na EJK ay walang problema sa Davao dahil walang droga, patayan at nakawan.

Katwiran pa ng Pangulo, masamang tao ang mga pinatay habang ang mga pulis ay nakaligtas.

Ang pahayag ni Duterte ay sa kabila ng matagal ng batikos sa war on drugs ng administrasyon.

Ang Pangulo ay isinangkot na rin dati ng retiradong pulis na si Arthur Lascañas sa mga patayan noong ito ang mayor ng Davao City.

Read more...