1 patay, 1 sugatan sa ambush sa Samar

By Len Montaño May 11, 2019 - 10:25 PM

Isa ang nasawi at isa ang sugatan sa pananambang sa Maharlika Highway, Barangay Marcatubig, Tinambacan District, Calbayog City, Samar Sabado ng hapon.

Kinilala ang namatay na si Joseph Ortega, driver ni Manuel Sajul na sugatan naman sa ambush.

Si Sajul ay manugang ni Vice Mayor Diego Rivera.

Ayon sa pulisya sakay ang dalawa ng itim na Mitsubishi Adventure nang tambangan sila ng hindi pa kilalang mga salarin alas 4:00 ng hapon.

Papunta ang sasakyan ng mga biktima sa Barangay San Joaquin nang pagbabarilin ito ng mga suspek.

Agad na namatay ang driver na si Ortega habang si Sajul ay sugatan.

Nagawa pang imaneho ni Sajul ang sasakyan sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya sa Barangay Tinambacan, 8 kilometro ang layo kung saan nangyari ang krimen.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen

TAGS: 1 patay, 1 sugatan, ambush, Calbayog City, Joseph Ortega, Manuel Sajul, manugang, Pananambang, Samar, Vice Mayor Diego Rivera, 1 patay, 1 sugatan, ambush, Calbayog City, Joseph Ortega, Manuel Sajul, manugang, Pananambang, Samar, Vice Mayor Diego Rivera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.