Bodyguard ng Vice Mayoral candidate sa Victoria, Mindoro Oriental patay sa pamamaril

By Len Montaño May 11, 2019 - 10:01 PM

Mimaropa PNP photo

Patay sa pamamaril ang bodyguard ng mayoral candidate sa Victoria, Mindoro Oriental Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Benjamin Bobis Algeria, 38 anyos, personal bodyguard ni Marlo Nuarain, kandidato sa pagka-alkalde sa munisipalidad ng Victoria.

Ayon sa Mimaropa PNP, pinatay si Algeria alas 10:15 ng umaga sa Barangay Villa Cerveza.

Nabatid na sakay ng Toyota Fortuner si Algeria na may tatlong kasama na sina Rufino Orias Valenzuala, Allan Altobar Mesana at isang alyas Edwin.

Sa puntong ito, ang sasakyan ng biktima ay hinarangan ng isang sasakyan na may lamang anim na suspek.

Mimaropa PNP photo

Pinababa ang biktima at ang tatlong kasama nito pagkatapos ay dalawang beses na binaril si Algeria sa kanyang katawan, dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Ang tatlong kasama naman ni Algeria ay inutusang maghubad ng kanilang mga damit at lisanin ang crime scene.

Pagkatapos ay sumakay na ang mga suspek sa dalawang sasakyan at tumakas papuntang Barangay Alcalte.

Naglunsad ng hot pursuit operation ang pulisya para matugis ang mga suspek.

TAGS: Benjamin Bobis Algeria, bodyguard, dead-on-the-spot, hot pursuit operation, Marlo Nuarain, mayoral candidate, Mindoro Oriental, patay sa pamamaril, Victoria, Benjamin Bobis Algeria, bodyguard, dead-on-the-spot, hot pursuit operation, Marlo Nuarain, mayoral candidate, Mindoro Oriental, patay sa pamamaril, Victoria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.