Mariel Rodriguez, buntis sa kanilang second baby ni Robin Padilla
Emosyonal na inanunsiyo ni TV host Mariel Rodriguez ang pagbubuntis sa noontime show na “It’s Showtime.”
Sa kasagsagan ng Mother’s Day special, hiningan si Mariel ng kaniyang pananaw sa nasabing okasyon bago naging isang ina.
Ibinahagi ni Mariel ang pinagdaanan sa unang pagbubuntis at nang isilang ang unang anak na si Isabella.
Kasunod nito, ibinahagi ni Mariel ang magandang balita na tatlong buwan na siyang buntis sa kanilang second baby ng asawang si Robin Padilla.
Nagpasalamat si Mariel sa Panginoon dahil sa panibagong sorpresa na ibinigay sa kanila ni Robin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.