Counter terrorism unit, binuo ng Japan

By Jay Dones December 11, 2015 - 01:47 AM

 

inquirer.net/ANN

Inilunsad ng Japan ang kanilang anti-terrorism unit bilang tugon sa pagtaas ng insidente ng terror attack na nagaganap sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Ang counterterrorism unit-Japan (CTU-) ay dapat sana’y ilulunsad sa April ng susunod na taon, ngunit dahil sa naganap na Paris attacks ay minabuti na agad itong gawing operational.

Magiging pangunahing layunin ng CTU-J na kumalap ng mga intelligence reports sa mga terror groups na nag-ooperate sa labas ng Japan.

Ang Prime Minister’s office ang mangangasiwa ng anti-terror unit na magsisilbing command center para sa anti-terrorism efforts bago ang nakatakdang Ise-Shima summit meeting ng Group of Seven countries (G7) na gagawin sa sa Mie Prefecture sa Mayo ng susunod na taon.

Sa ilalim ng CTU-J, magtutulong-tulong ang Foreign Ministry, Defense Ministry at ang kanilang National Police Agency sa iba’t-ibang diplomatic mission sa ibayong dagat.

Sila ang mangunguna sa pagkalap at pag-nalisa ng mga impormasyon ukol sa mga terorista sa ibayong dagat.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.