Ilang armas, bala nakuha sa bahay ng isang alkalde sa Surigao del Norte

By Angellic Jordan May 11, 2019 - 06:11 PM

Nakumpiska ng mga otoridad ang ilang armas at baril sa bahay ng isang alkalde sa Surigao del Norte, Biyernes ng gabi.

Sa bisa ng search warrant, nagkasa ng operasyon ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Municial Police Station sa bahay ni San Francisco Mayor Guia Nimez Plaza-Sabanal sa Barangay Poblacion pasado 6:00 ng gabi.

Nang dumating ang mga otoridad, biglang umalis ang grupo ng mga kalalakihan na pinaniniwalang supporters ng alkalde.

Naiwan naman ng mga ito ang isang sling bag. Nakita ng mga pulis sa bag ang isang caliber .38 revolver, limang round ng bala para rito at isang fragmentation grenade.

Maliban dito, nakuha rin ang P6 milyong cash, sample ballots, at listahan ng mga botante at kanilang precinct number.

Dahil dito, inimbitahan si Sabanal sa istasyon ng pulisya para sa imbestigasyon.

Itinanggi naman ni Sabanal na sa kanya ang mga nakumpiskang armas at bala.

Hindi naman nagbigay ng komento ang alkalde sa nakuhang pera.

Sa ngayon, dinala na ng CIDG ang mga armas sa kanilang opisina.

TAGS: alkalde, armas, bala, alkalde, armas, bala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.