Umano’y vote-buying sa Muntinlupa, nasabat ng mga otoridad

By Noel Talacay May 11, 2019 - 05:06 PM

Pinuntahan ng pinag-sanib pwersa ng Muntinlupa police at Regional Special Operation Unit ang Minerve Compound ng Brgy. Putatan Muntinlupa matapos sila makatanggap ng report na umano’y vote buying ng kampo ni Vice Mayor candidate Temy Simundac.

Nakuha ng mga otoridad ang nagkakahalagang P72,100, flyers na nasa likod nito ay sample balot, listahan ng mga pangalan at carebook.

Hinuli naman otoridad ang 6 na vote buyers at 11 na vote sellers.

Pinaliwanag naman ni Luis Argana Jr., isa sa mga leader ng grupo ni Simundac, na ang pera ay para sa kanilang mga tao na magsisilbi ngayong eleksyon.

Ininspeksiyon din ng mga otoridad ang sasakyan ni Argana, pero wala naman nakita o nakuha na posibleng makadagdag sa ebidensya.

Dumating din si NCRPO Chief Guillermo Eleazar, ayon sa kanya patuloy pa rin ang kanilang gagawing imbestigasyon at ipapasa ito sa COMELEC upang maihain ang karapampatang aksyon.

TAGS: P72 100 flyers, vote buying, P72 100 flyers, vote buying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.