Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), aksidenteng natamaan ng truck ang footbridge.
Dahil dito, nahulog ang mga dala nitong bakal sa kalsada.
Nagdulot ang aksidente ng pagbigat ng daloy ng trapiko malapit sa Mabini Avenue hanggang Rizal Avenue, 5th Avenue bandang 9:00 ng umaga.
Sinabi naman ni Pialago na maaari na muling daanan ang mga nasabing kalsada matapos maialis ang mga bakal bandang 11:24 ng umaga.
MOST READ
LATEST STORIES