Testigo sa pagpatay sa mediaman, inalis sa WPP

By Kathleen Betina Aenlle December 11, 2015 - 12:41 AM

 

DOJ-660x495Inalis na ng Department of Justice (DOJ) sa kanilang Witness Protection Program (WPP) ang saksi sa pagpatay sa isang mamamahayag sa General Santos City noong 2008.

Si Bobby Flores ay isa sa mga nagsasabing nasaksihan niya ang pagbaril ni Insp. Redempto Acharon sa broadcaster na si Dennis Cuesta malapit sa isang mall sa GenSan.

Ayon kay Flores, ipinaalam sa kaniya ng DOJ nitong December 2 na aalisin na siya sa WPP sa susunod na buwan, at hindi rin naging malinaw kung bakit.

Hindi pa umano niya ito pinipirmahan ngunit nagsabi na siya ng kaniyang pagpayag na tanggapin na lamang ang ibibigay sa kaniyang relocation funds.

Hindi rin niya maintindihan kung bakit aalisin na siya sa WPP gayong hindi pa nareresolbahan ang kaso laban kay Acharon na pamangkin ni South Cotabato Rep. Pedro Acharon.

Aniya, nangangamba siya sa kaligtasan niya at ng kaniyang pamilya dahil hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang suspek kaya’t anumang oras ay maari silang balikan nito.

Pitong taon na ang kasong murder laban kay Acharon, ngunit wala pa rin nangyayari at hindi pa rin nahuhuli ang suspek kahit pa matagal na itong may warrant of arrest.

Nananatili pa rin umanong at large si Acharon kahit pa may mga impormasyon nang namataan ito sa General Santos.

Si Cuesta ay kilalang mamahayag sa Radio dxMD.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.