DOTr, susuriin ang kaligtasan ng biyahe ng Angkas sa loob ng anim na buwan

By Berna Guillermo May 11, 2019 - 08:39 AM

Pinapayagan pa ng DOTr ang mga motorcycle taxis na bumiyahe sa Metro Manila at sa Cebu simula Hunyo.

Ayon sa DOTr, ito ay para sa anim na buwan na pagsuri kung pasado ba ang kaligtasan ng mga motorsiklo at pati na rin kung may disiplina sa pagmamaneho ang mga drayber.

Imomonitor dito ang tinatayang 27,000 na mga drayber ng Angkas.

Pinaalalahanan naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang kompanya ng Angkas at mga drayber na huwag biguin ang tiwala sa kanila na magbibigay sila ng maayos na serbisyo sa mga pasahero.

TAGS: 6 buwan, Angkas, dotr, 6 buwan, Angkas, dotr

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.