Duterte: Si Marcos lang ang may mga nagawa na makikita natin

By Rhommel Balasbas May 11, 2019 - 05:50 AM

Muling nagpahayag ng paghanga si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at sinabing ito lamang ang lider ng bansa na nag-iwan ng legasiya.

Sa talumpati sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago – Hugpong sa Tawong Lungsod (HNP-HTL) sa Davao City, sinabi ng presidente na si Marcos lamang ang may mga nagawang proyekto na hanggang ngayon ay nakikita pa rin ng publiko.

Binanggit ng presidente ang ilang proyektong pang-imprastraktura ng dating diktador tulad ng Light Rail Transit (LRT), Philippine International Convention Center (PICC) at Cultural Center of the Philippines (CPP).

Matapos nito ay binanatan naman ng presidente ang mga pulitiko na anya ay walang maipakikitang proyekto ngunit puro lamang salita at saway.

Hindi naman pinangalanan ni Duterte kung sino ang kanyang tinutukoy.

Ang Marcoses ay kaalyado ng pangulo.

Bukod sa admirasyon sa yumaong diktador ay suportado rin ng pangulo ang

TAGS: admiration to the late strongman Ferdinand Marcos, Hugpong ng Pagbabago - Hugpong sa Tawong Lungsod (HNP-HTL), infrastructure projects, Miting de Avance, President Rodrigo Duterte, admiration to the late strongman Ferdinand Marcos, Hugpong ng Pagbabago - Hugpong sa Tawong Lungsod (HNP-HTL), infrastructure projects, Miting de Avance, President Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.