Kinilala ang lalaki alyas na ‘Jim’, 46 anyos at nakuhaan umano ito ng 17 sobre na may lamang tig-P300.
Ayon sa pulisya, narekober din mula kay Jim ang acknowledgement receipt na pinapirmahan sa mga tao para siguruhing susuportahan ang isang kandidato sa pagka-konsehal.
May listahan din ito ng mga botanteng sinasabing aabutan ng pera.
Pero iginiit ni Jim na hindi kanya ang mga pera at may isang babaeng sakay ng kotse na lumapit sa kanya na nakiusap para ipamigay niya ang mga sobre.
Pinaghahanap na ang babaeng itinuturo ni Jim na nag-abot ng pera sa kanya.
Naplakahan ang kotse ng babae.
Nakakulong ngayon si Jim alinsunod sa probisyon ng Omnibus Election Code ukol sa vote buying at ieendorso na sa Commission on Elections (Comelec) ang pagsasampa ng kaso.