Hindi bababa sa 65 patay sa paglubog ng bangka sa Mediterranean Sea
Nasawi sa pagkalunod ang hindi bababa sa 65 katao matapos lumubog ang isang bangka sa Mediterranean Sea sa bahagi ng Tunisia ayon sa United Nations refugee agency (UNHCR).
Ayon sa pahayag ng UNHCR araw ng Biyernes, lulan ng bangka ang refugees at migrants mula sa Zuwara, Libya.
Nasa 16 umano ang nailigtas sa pagkalunod sa pamamagitan ng fishing boats.
Magugunitang malala ang tensyon sa Libya ngayon partikular sa kabisera na Tripoli dahilan na dahilan ng paglikas ng mga tao.
Ayon sa UNHCR, ito na ang pinakamalalang insidente ng paglubog ng bangka sa Mediterranean mula noong Enero.
Libu-libong migrante ang tumatawid sa Mediterranean patungong Europe kada taon at ilang beses nang nagkaroon ng insidente ng paglubog ng bangka dahil sa overcrowding.
Sa ngayon ay patuloy ang search operations ng Navy sa katubigan ng Mediterranean.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.