University of Cebu graduate Top 1 ng May 2019 Civil Engineer board exams

Isang alumnus ng University of Cebu (UC) ang nanguna sa May 2019 Civil Engineer Licensure Examination.

Sa resulta ng exams na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) Biyernes ng gabi, nakakuha si Ronie Tanilon Tarriga II ng University of Cebu ng 95.20 percent na iskor para masungkit ang top place.

Nasa ikalawang pwesto naman si John Francis Viloria Pedroso, 94.60 ng Mindanao State University – Gen Santos City at ikatlo si Reymart Arcenal Refil, 94.15 ng Cebu Institute of Technology – University.

Kabilang din sa Top 10 ang graduates mula sa Lyceum of the Philippines – Gen. Trias, Cavite, Xavier University, Mapua University – Manila, University of San Jose – Recoletos.

Ang Top Performing School ng board exams ay ang De La Salle University – Manila na nakakuha ng 90.29 passing rate kung saan 93 ang pumasa sa 103 examinees.

Ayon sa PRC, 8,855 ang kumuha ng pagsusulit at kabuuang 3,372 ang nakapasa.

Read more...