PNP: Election-related violence bumaba pero kaso ng vote-buying dumami

By Len Montaño May 11, 2019 - 03:38 AM

Bumaba ang mga insidente ng karahasan bago ang eleksyon sa Lunes pero tumaas naman ang bilang vote buying.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Bernard Banac, naitala ang 32 kaso ng pre-election violence ngayong taon na malaking pagbaba kumpara sa 106 noong 2016 elections.

Habang noong 2013 ay 94 ang kaso ng karahasan na may kinalaman sa halalan at noong 2010 ay nasa 138.

Sinabi ni Banac, ito ay dahil posibleng naka-focus ang mga pulitiko sa vote-buying imbes na makasakit ng kalaban o maghasik ng karahasan.

Samantala, nasa 15 reklamo ng vote-buying ang iniimbestigahan na ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ayon kay PACC commissioner Greco Belgica, sampung kaso ng vote-buying ang naiparating na sa law department ng Commission on Elections. (Comelec)

Sinabi naman ng National Movement for Free Elections (NAMFREL) na wholesale na ang alokasyon para sa vote buying kung saan umaabot ito mula P200,000 hanggang P500,000 sa ilang lugar.

Ayon kay NAMFREL secretary general Eric Jude Alvia, bulto na ang vote buyers at kasabwat ang ilang multi-level marketing networks.

TAGS: 32 kaso, comelec, election related violence, multi-level marketing networks, NAMFREL, PACC commissioner Greco Belgica, PNP Spokesperson Col. Bernard Banac, vote buying, wholesale, 32 kaso, comelec, election related violence, multi-level marketing networks, NAMFREL, PACC commissioner Greco Belgica, PNP Spokesperson Col. Bernard Banac, vote buying, wholesale

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.